Sunday, October 7, 2012

anniverasary happenings. :""""">

hello po. :)
today is october 8, 2012.
kahapon, anniversary namin. :))))
i'll just want to share to you some of the happenings yesterday.
nag Enchanted Kingdom po kami.
honestly po kasi, hindi pa talaga ako nakakapunta sa kahit saang amusement parks. :D
kaya ayun, napagpasiyahan naming doon pumunta.

Fast forward...
Pagkadating namin dun sa EK, umupo muna kami sa may bench kasi di namin alam na bawal palang magdala ng pagkain sa loob. water lang ang pwede, kaya simubukan naming itago yun sa mga bag namin. Kaso, hindi umepek. HAHA. nakita padin ng ladyguard. masyado kasing mabusisi sa bag eh.
kaya ayun, yung ga pagkain namin, dino-nate nalang namin dun, for charity purposes naman daw mapupunta yun eh.


Tapos ayun, finally, nakapasok na kami dun. Hindi na muna kami nag-rides kasi baka mahilo at masuka kami, kinain din kasi namin muna yung iba naming pagkain kasi di pa kami nag-lulunch.
umupo muna ulit kami sa bench, tapos nag-picture taking muna, pose dito, pose doon. :D
ayun, after several minutes, sumakay na kami sa iba't-ibang rides like anchor's away, swan lake, disc-o-magic which is sobrang nakakahilo talaga, ferris wheel, hmm, roller coaster, anu pa ba? ah, flying fiesta, saka madami png iba, di ko alam yung ibang name ng rides eh. haha.
At that moment na magkasama kami, sobrang saya ko kasi hindi ko akalaing aabot kami ng isang taon. Masaya ako kasi siya yung nakilala at naging boyfriend ko, and soon to be husband. hahaha. ayiiie. Pero nag-promise kami sa isa't isa na tatapusin muna namin yung pag-aaral namin bago kami pumasok sa mas seroius na commitment. :) Hindi ko talaga ma-explain yung nararamdaman ko, masayang-masaya ako kasi kasama ko siya ng araw na yun. Tapos parang wala akong iniisip na problema, yung ganung feeling. :))))

eto po yung picture na nakasakay kami sa anchor's away. :)

eto naman yung time na sumakay kami sa disc-o-magic na hilong-hilo talaga ko. at nasusuka na.

Back to storytelling... :D Fast Forward ulit...
Pagkasakay namin sa iba't-ibang rides at nasusuka na talaga ko. nagpahinga muna kami tapos kumain.
Grabehan ang mga pagkain, ang mahal. Kaya nag-dumplings with rice nalang kami, masarap siya, in-fairness.
:D pero favorite ko talaga yun. :D hahaha.
After nun, nag-stay na muna kami dun sa kainan, may show kasi. may mga performers. ayun, natuwa at nawili kami, kaya medyo natagalan dun.
Ayun, pagkatapos nun, nag-try kami ng isa sa mga games dun, yung susungkitin mo yung bote para makatayo, pag napatayo mo yun, may price ka, naka dalawang attempt din kami dun kaso unfortunately, hindi kami nakakuha ng price. Next time nalang din kasi wala na kaming budget. HAHA.
Ayun, tapos nag-rides na ulit kami. Bump car, pero Dodgem ang tawag dun. tawa ako ng tawa kasi bangga kami ng bangga. Haha.
Here's the picture nung sumasakay kami ng mga rides.


Basta ang saya-saya ko talaga kahapon. :)
Sana nga araw-araw ganun.
Pero may tamang panahon para sa mga yun.
Yun, nag-rides kai ng nag-rides hanggang sa umabot na ng hapon at gabi na pala. :D
nakaupo nalang kami sa bench para mag-kwentuhan at magharutan. :'''''>
pagkatapos nun, napg-isip isip naming magbihis at umuwi na kasi gabi na din eh.
Last na to, eto yung pictures namin nung gabi na, at pinagpilitan lang namin yung camera na kumuha ng pictures. :D

Ayun, after niyan, nagbihis at umuwi na kami. :)

2 pictures lang ang nakuha namin nung gabi na kasi nalowbat na yung digicam na dala nya.
But then masayang masaya talaga ako. :) Mahal na Mahal ko talaga siya ng sobra sobra. :**
Iloveyousomuch honey ko.
iloveyousomuch Frederick Ecija. <3










Friday, October 5, 2012

Tomorrow is another day! :'""""""""">

today is October 6, 2012.
at bukas na ang October 7, 2012! :))) yieeee!

Bukas na kasi yung anniversary namin ng HON ko eh. :D
excited na ko.
Hindi ko akalaing aabot kai ng isang taon. Pero masayang masaya akong nakilala at naging parte sya ng buhay ko.
At magpapatuloy yun hanggang sa matapos ang buhay ko dito sa Earth. :D
Pero wag muna ngayon. bata pa ko. HAHAHA.
Ayun, share lang.
Masaya kasi ako.
Kahit meron pang problema si hon sa thesis nya, dadamayan ko siya ngayon.
sige, bbye! :)))))

JOYCE. <3
Ako pala yang nasa picture. sorry ha, haggard dyan. :D panget kasi ako.
yung unan na hawak ko, bigya nya sakin. baby namin yan. si JF. :) >*

Thursday, October 4, 2012

haay. Filipino subject.

Goodevening! :) it's already 8:49 pm here in the Philippines! :D HAHAHA. kamusta na po?

AKO? hmm. iniisip ko yung exam ko sa Filipino subject ko, ang baba ko kasi. eh kailangan kong maging scholar next sem para makabawas sa gastos ng tuition fee.
Kaso, mukhang magiging tagilid ako sa subject na yun. :| parehas 2.5 yung grade ko sa prelim at midterm. :'(
Pano ba naman kasi, ang higpit sobra ng prof nain dun sa subject na yun, itago na natin sa pangalang Ma'am D. :))))) Haha. kilalang-kilala yun sa pagiging mahigpit niyang prof. Tapos ang dami pa kung magpagawa ng mga seatworks at yung mga quiz at exams nya, ang hahaba! nako talaga! umaabot ng 100 items.

Nakabadtrip nga yung prof na yun minsan. ang katwiran niya, para daw matuto kami. It's for US to learn in her subject. -____-
Hindi kinakaya ng utak ko yung mga quiz at exams niya. pero gusto kong makapasok ulit sa scholarship. Ang mahal naman kasi ng tuition sa school ko at hindi naman kami mayaman.
Per sa totoo lang, ang gastos ko! :\ masyado akong magastos. GASTASERA ba. :D HAHA.
kahit anong pilit kong mag-ipon, nagagastos ko pa din. Lalo pag malaki-laki na yung ipon  ko. Haha. wala eh, nauubos.

Medyo mahaba na to. Medyo inaantok na din ako. Di din kasi nagtetext si boyfie. anyway, malapit na din pala ang 1st anniv namin. :)) Advance happy anniversary hon. :*

HAAY. <3

Sunday, September 30, 2012

hayy. 1 week nalang. SEMBREAK na naman. :)

      Ayun. as what i've wrote on the title, 1 week nalang sembreak na. nakakatamad na naman tumengga nito dito sa bahay. haaaay. may mamimiss pa ko. >:D :( kaya eto, naisipan kong gumawa ng blog (kaya lang, parang wala pa kong maisip na ilalagay or isha-share.) HAHAHA. :D

     Since, bagong gawa ko tong blog na to. simple lang muna gagawin ko. hehe. :)))) sana ma-addict ako dito, pero not that too much addiction. para lang dito ko malagay lahat ng gusto kong i-share :) kasi pag, na-bore ako, baka mapabayaan lang to. sayang naman diba?
     Sige, eto nalang muna. ciao! :*

*by the way, my name is JOYCE. :)